Friday, January 17, 2014

Ala-superman 2014 bumagsak

Suicide attempted last December 2013 Photo by Fritz John A. Menguito 



Lapu-Lapu City, Philippines - Ala-Superman ang Unang lalaking lumundag sa Osmeña bridge (First mactan bridge) Foot Bridge
matapos nag ka problema ang kanyang application papuntang abroad.

Sa ulat ng Lapu-Lapu City Police Station 3, Bandang 11:50 ng tanghali January 17, 2014 tumalon ang biktima sa itaas ng tulay ng First Mactan Bridge.

Nakilala ang lalaking bumagsak sa bahay na si Roldan Labadan Eralino 38-anyos maried residente ng Sabellano St, Punta Princesa, Cebu City at naka tanggap eto ng mga galos sa kanyang katawan at sa kanan ng kanyang braso.

Ikina gulat umano ni Amalia Sevinial ang may ari ng may bahay na binagsakan na bigla nalamang may lumagapak sa kanilang kusina.

Ayon sa imbestigasyon inihayag ng Asawa sa Biktima na si Sharon Eralino nanggagaling umano etong nag hanap ng trabaho at napag-alam na may problema ang kanyang application kaya eto nabigo ang wala nang ibang naisip.

Mabilis naman eto dinala sa Pagamutan ng Lapu-Lapu City Hospital at hindi nag tagal inilipat eto sa Don Vicente Sotto Medical Center.

Napag alam si Roldan Labadan Eralino ang pina ka una unang taong tumalon sa malaking tulay ngayong taon 2014. -Fritz John Menguito


No comments:

Post a Comment